News

2019 Novel Corona Virus, Posible Kayang Nanggaling sa Daga?

Kumakalat  at nagdadala ng takot ngayon sa buong mundo ang 2019 Novel Corona Virus, isang respiratory virus tulad ng SARS (Severe Acute Respiratory Syndrome) at Middle East respiratory syndrome coronavirus (MERS-CoV) at pinaniniwalaang nagmula ito sa Wuhan, China. Unang naitala ang kaso ng N-CoV noong December 31, 2019 sa District ng Wuhan sa probinsya ng Hubei, China.

Naipapasa ang virus sa pamamagitan ng person to person spread na galing sa respiratory droplet kapag ang isang infected ng virus ay umubo o nag-sneeze. Maaaring ma-inhale ng mga taong malapit sa umubo o nag-sneeze na infected ang mga droplets at posibleng umabot ito sa lungs.

Hindi pa malinaw sa ngayon kung naipapasa ba ang virus sa pamamagitan ng paghawak ng mga surface na merong virus at ihahawak ito sa kanilang bibig, ilong o maaaring sa mata nila.

Narito ang mga sintomas kung ang isang tao ay mayroong 2019 Novel Corona Virus ayon sa Center for Disease and Prevention:

  • Fever
  • Cough
  • Shortness of breath

Sa ngayon ay naka-lockdown ang Wuhan dahil sa kumakalat na Virus. Ilang bansa na rin ang nag-ban at nagkansela ng mga flight na papunta o galing sa China para ma-prevent ang pagkalat ng Virus.

At dahil umabot na sa mahigit 28,000 ang comfirmed case at 565 deaths ang naitalang datos ay napilitang magtayo ang China ng hospital para lamang sa mga biktima ng virus at inabot lamang ang pagtatayo nito sa loob ng 10 araw.

Sa ngayon ay hindi pa natutukoy kung saan nga ba nagmula ang N-CoV, ngunit marami ang nagsasabing nagmula ito sa wild animals na ibinebenta sa Animal Market ng Wuhan at pinaniniwalaang nanggaling ito sa ahas o bats.

At dahil ngayong 2020 ay Year of the Rat ay pag-usapan muna natin ang mga daga, ano nga ba ang mga sakit na maaaring makuha sa daga? Posible kayang makuha sa daga ang N-Cov?

Mayroong 6 major disease na maaaring makuha sa daga, una dito ang Hantavirus na isang life threatening disease na wala pang specific treatment, cure o gamot.

Sumunod ang Lymphocytic Choriomeningitis Virus (LCMV),  pinapakapopular na makukuha mula sa mga dagang nakikita natin sa mga kabahayan, may dalawang uri ng stage ang pagkakaroohn ng LCMV, unang sintomas sa first stage ay pagkahilo, pagsusuka, sakit ng ulo, pananakit ng muscles at walang gana sa pagkain habang ang sintomas naman sa pangalawang stage ay more on neurological in nature kasama rito ang meningitis, encephalitis, or meningoencephalitis.

Pangatlo, ang Leptospirosis, ay popular din na sakit na mula sa ihi o dumi ng daga, ang mga sintomas nito ay ang pagkakaroon ng lagnat, ubo, diarrhea, pagsusuka, pananakit ng ulo, muscle pain, pamumula ng balat at irritableng mata. Marami pang sakit ang pwedeng makuha sa daga at aabot ito sa 35 diseases at maaari itong makahawa sa tao lalo na kung humahawak ka ng buhay o patay man na daga. Maaari ka ring mahawaan ka ng sakit kapag ikaw ay nakagat ng dagat at minsan maging ang garapata nito o flea ay maaaring makahawa ng sakit na nakukuha rin nito sa daga.

Tulad na lang ng nangyari noong 13th Century, dahil sa nagbago ang klima noon ay nagsilabasan ang mga daga mula sa mga natuyong bukid papunta sa matataong lugar sa China at doon nagsimulang kumalat ang epidemya na tinawag na Bubonic plague. Umabot sa 25 million Chinese at iba pang Asian ang naitalang namatay noon dahil sa sakit. Dahil sa paglala nito noong 1347 ay kumalat sa Europe ang nakamamatay na bubonic plague at tinatayang umabot sa 75 to 200 million ang namatay sa Eurasia mula 1347 hanggang 1351. At tinawag itong Black Death dahil ito ang pinaka-nakakamatay na disease outbreak sa Europe, dahil sa malawakang pagkalat ng sakit ay halos nasa 60% ang na-wipe out sa populasyon nito. Sa kabuuan, mula sa 475 million populasyon ng tao sa Mundo ay nabawasan ito at bumaba sa 350-375 million na lamang ang populasyon dahil sa Bubonic plague.

Gaya ng sintomas sa mga sakit na nakukuha sa dagat, ang ilang sintomas ay matatagpuan din sa Novel Corona Virus tulad ng:

  • Flu
  • Chest Pain
  • Difficulty in breathing
  • Sore throat
  • Headache
  • Chills o panginginig
  • Cough

Hanggang ngayon ay wala pa ring nakikitang lunas para mapuksa ang bagong strain ng Corona Virus na ito. Sinasabing meron nang nadiskubreng gamot ang Hong Kong para sa virus ngunit kailangan pa ng masusing pag-aaral at maaaring abutin ito ng ilang buwan o taon para magamit ito ng mga taong infected ng sakit. Ngunit patuloy parin sa pag-aaral ang ibat-ibang bansa para makagawa ng gamot para sa sakit na ito.

Ang tanong, naniniwala ba kayong nanggaling sa daga ang bagong strain ng Corona Virus? Narito ang ilang theory na posibleng galing nga sa daga ang kumakalat na sakit. Sa bansang China, ang bamboo rats ay kino-consider nila bilang isang valuable food animal at suportado rin ito ng mga Chinese dahil ayon sa kanila, ito raw ang sagot sa lumolobong appetite nila para sa protein. At dahil nga nagmahal ang karne ng baboy at baka sa China dahil sa mga sakit ay ibinaling nila ang atensyon nila sa daga dahil bukod sa kalasa ito ng karne at di hamak na mas mura ito kesa sa karne ng baboy at baka.

Isa pa sa nagpa-enganyo sa kanila ay nagpapaganda rin daw ng kutis ang karne ng daga at dahil ngayong 2020 ay Year of the Rat nga ay malaki ang chance na tumaas ang demand at consumption ng mga Chinese sa karne ng daga.

At alam nyo bang isang store owner sa Animal Market sa Wuhan ang unang tinamaan ng disesase na ito, kaya malaki ang posibilidad na nagmula nga sa daga ang kumakalat na N-CoV.

Para maka-iwas sa sakit na Novel Corona Virus, pinayuhan ng DOH ang publiko na ugaliing maghugas ng kamay, iwasan ang contact sa mga hayop, lumayo at gamitin ang braso sa pag-takip ng bibig tuwing babahing o uubo, umiwas sa taong merong sintomas ng ubo at sipon, uminom ng maraming tubig, siguraduhing luto ang mga pagkain bago ito ihain at pinapaka-importante na panatilihin nating malinis ang ating katawan maging an gating kapaligiran.

Sa ngayon ay kailangan natin ng masusing pag-iingat sa atin kalusugan dahil mabilis ang pagkalat ng sakit. Huwag tayong magpapa-panic at siguraduhin nating tama ang balitang ikakalat natin sa publiko para maiwasan ang pagkakagulo. Ang tanging magagawa na lang natin sa ngayon ay magtiwala sa Diyos dahil sya lamang ang makakatulong satin, patuloy tayong manalangin dahil sya lamang ang makakapag-bigay lunas sa lahat ng sakit sa mundong ito.

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *