

Gusto mo man o hindi, dapat mong aminin na ang leather products ay hindi maganda para sa ating kapaligiran. Sa katunayan, ayon sa PETA, ang global na industriya ng leather ay pumapatay ng higit sa isang bilyong hayop para sa kanilang balat at katad o hides.
Subalit, ang mas higit na nakababahala ay ang epekto ng leather sa kapaligiran. Hindi lamang ang hayop mula sa kung saan nagmula ang leather ay kumonsumo ng isang toneladang tubig sa buhay nito, ngunit pagkatapos makuha ang balat, ipinoproseso ang leather sa isang toneladang kemikal. Hindi lamang ito nakakapinsala sa kapaligiran ngunit ginagawa din nitong non-biodegradable ang leather item.
Kahit na ang faux leather na kinagigiliwan ng maraming vegan ay talagang gawa sa plastic, kaya hindi talaga mareresolba ang problema sa basura. Gayunpaman, nakaisip ng magandang ideya ang dalawang negosyante na sina Adrián López Velarde at Marte Cázarez, para masolusyunan ang problemang ito.
Tinawag ang kumpanyang ito na “Adriano Di Marti” at gumawa sila ng isang bagong pamamaraan upang lumikha ng tela gamit ang mga dahon ng cactus na tinatawag na Desserto. Ang Cactus, na kilala para sa magaspang nitong balat at medyo makapal at pointy na characteristic, gayunpaman, kapag ganap na naproseso, mararamdaman mo na tulad ito ng aktwal na leather, ngunit dahil ginawa ito mula sa cactus – isang halaman na maaaring lumago sa disyerto na may minimum moisture – hindi ito kumonsumo ng maraming tubig.
Bukod dito, in-adopt nila ang natural dyes para sa pagproseso ng leather na hindi talaga makakaapekto sa kapaligiran habang ginagawa ang materyal hanggang isang dekada. At dahil ito ay ginawa mula sa isang halaman, bahagyang ito ay maaaring maiiwasan.
Subalit, kahit na ito ay organic at eco-friendly, ang cactus-leather ay halos kapareho na ng presyo ng tunay na leather. Nagawa na ang Kumpanya ng cactus leather products para sa mga upuan ng kotse, bag, sapatos at kahit na mga damit gamit ang materyal.
Ano ang naramdaman mo tungkol sa cactus leather na ito, magandang alternatibo ba ito kesa sa tunay na leather?