Flora and FaunaFutureNews

Pinay Volcanologist sa London, Isinaad ang mga Maaaring Mangyari Kapag Sumabog na ang Taal

Ngayon ay nasa alert level 3 na lang ang Taal matapos itong ibaba mula Alert Level 4 na nagtagal ng dalawang linggo. Bagama’t nanahimik ang Taal nitong mga nakaraang araw ay may posibilidad parin itong sumabog ng malakas anumang oras na maaaring makasira sa malaking bahagi ng Batangas kabilang na ang Agoncillo, Taal, Talisay at Lemery.

Noong nakaraang linggo  lamang ay in-upload ng netizen na si Jhe Ponte Cueto sa kaniyang social media account ang apat na bahagi ng video kung saan ipinapaliwanag ni Mam Mai Jadeleza ang kasaysayan ng Taal Volcano at ang mga posibilidad sa mga maaaring mangyari kapag ito ay sumabog.

Sa apat na bahagi ng video, detalyado niyang ipinaliwanag ang kasaysayan ng Taal Volcano mula noong 1572 kung saan unang naitala ang pagsabog nito kung saan nagkaroon ito ng phreatomagmatic eruption sa main crater nito. Hanggang sa pinakamalaking na pagsabog nito noong 1754 kung saan tumagal ito ng 7 buwan mula Mayo hanggang Disyembre at nilubog ang 4 na bayan sa Batangas .

Ipinaliwanag din sa naturang video kung gaano kalaki noon ang Taal kung saan bago ito lumubog at magkaroon ng lawa sa paligid nito. Halos tatlong beses ang laki nito sa bulkang Mayon na tinuturing na pinakamalaking bulkan sa Pilipinas.

Isinalaysay  rin nya sa video na ang paanan ng Pre-Historic Taal ay nasa Tagaytay at Cuenca, Batangas. At ang caldera nito ngayon ay ang buong lake na dati ay isang napakalaki at napakataas na bulkan. Sa ngayon ay merong 47 craters ang Taal

Ipinaliwanag rin nya ang ibat-ibang uri ng pagsabog o explosion at base surge na kinatatakutang mangyari ng mga eksperto dahil pahalang na magbubuga ang bulkan ng mga bato, maiinit na gas at abo kung saan aabot ito sa bilis na 80km.

Sa screenshot naman ito na ibinahagi ni Lacey Ann Bruce sa kanyang Social Media account. Makikita ang konbersasyon ng Volcanologist sa isang mamayan na nakatira sa Agoncillo, Batangas kung saan binabalaan nya ito na mag-ingat dahil sa mga maaaring mangyari sa pagsabog ng bulkan.

Saad ni Lacy Ann na kung totoo man ang mga isinaad ni Mai Jardaleza ay nawa’y makapagbigay ito ng kaalaman at babala sa nangyayari sa bulkang Taal at sana ay maging maingat tayo.

“Totoo man o hindi ang sinasabi nya sa mga posibleng mangyari. Isa lang po ang magagawa natin sa panahong ito. Yun po ay ang patuloy tayong magdasal at lumapit sa Panginoon. Yun lamang po ang magagawa natin! Maging handa, mag ingat at magtiwala sa ating Panginoon!”

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *