FadFlora and FaunaNews

Arroceros Forest Park, Mas Kilala bilang Manila’s Last Lung, Idineklarang Permanent Forest Park

The 2.2 hectare Arroceros Forest Park located at Antonio Villegas Street in Ermita, Manila. Developed in 1993, the urban forest hosts 61 different tree varieties and 8,000 ornamental plants providing a habitat for 16 different bird species. The park is administered by the City Government of Manila in partnership with private environmental group, Winner Foundation. Photo by LeAnne Jazul/Rappler

Ang tinatawag na last lung ng Manila, Arrocero Forest Park, magiging permanent forest park na matapos pirmahan ang city ordinance.

Pinirmahan ni Manila Mayor Franciso”Isko”Moreno noong nakaraang Huwebes, February 27, ang Ordinance No. 8607 o mas kilala sa Arroceros Forest Park Ordinance, na nagdedeklara na ang bahagi ng lupa sa kahabaan ng Arroceros ay isang nang “permanent forest park” mula sa pagiging “property” lamang.

Nasa 2.2 hektarya ang lawak ng Forest Park na nasa loob ng Antonio Villegas Street sa Central Dsitrict ng Ermita at bahay ito sa mahigit tatlong libong puno na mayroong 61 varieties at 8,000 ornamental plants.

Nag-allocate ang city government ng ₱1 million para sa operation ng naturang Forest Park. Pipili ang Manila City ng “peace officer” sa parke at magbubuo ng Arroceros Forest Park Governing Committee, na syang gagawa ng plano para sa naturang parke. Alinsunod ito sa Republic Act No. 5752, o “Local Autonomy Act” na nagmamandate sa mga siyudad na magtatag, mag-develop at mag-maintain ng permanent forest, tree parks o watershed sa loob ng pampublikong lupain.

Ang ordinansa ay nagbabawal rin sa pagpuputol ng puno, pagtatapon ng basura, at anumang uri ng paghuhukay sa loob ng forest park at ang sinumang mahuhuling lumalabag sa ordinansa ay pagmumultahin ng ₱2,500 para sa unang offense, ₱3,500 sa second offense at ₱5,000 o pagkakulong hanggang isang taon, depende sa desisyon ng korte, sa third offense.

Binanggit rin ni Mayor Isko Moreno na pangangalagaan nya at tutukan ng mabuti ang Forest Park, salungat sa plano ng nakaraang liderato ng Maynila na magtayo ng Gymnasuim sa naturang area.

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *