Uncategorized

Top 10 FIRST DAY HIGHS AND LOWS

Matapos ang dalwang taong paghihintay  ang face-to-face nag umpisa na!

Trending kaganapan sa unang araw ng balik eskwela.

1. Love on the FIRST DAY BLUES

Ibinahagi ng isang netizen na si Walter Bollozos na mala-First Day Blues ang ganap ng mga cute na cute na estudyante ng Concepcion Elementary School sa Marikina City at tila may mabubuo na agad na love team sa campus.


Sinabi ni Lenmar Davidon na matagal na umano siyang nakapagtapos pero dahil sa pagbabalik eskwela ng mga mag-aaral noong August 22, nasabik siyang magbahagi ng kaniyang throwback photo habang nakatingin sa hinahangaan nyang kaklase.


2. Happiness on the FIRST DAY

 Ito ang litrato mula sa video na umabot hanggang mahigit isang milyong views na kinagiliwan ng mga netizens ngayon, panayam ng ABS-CBN reporter na si Jose Carretero sa isang estudyante sa Pinagbuhatan Elementary School sa Pasig City. Matapos ang ‘SUPER ENERGETIC REACTION’ ng estudyante nang tanungin s’ya kung masaya ba sya na nagsimula na ang face-to-face classes.

3. Tired on the FIRST DAY

Mistulang pagod sa maghapong trabaho ang mga batang ito sa unang araw nila sa eskwela, nang kuhanan ng litrato ni Eyjay Reyboneria ang kanyang anak sa F. De Mesa Elementary School sa Muntinlupa City. Kaya’t nasabi ng nanay na, “Okay naman yung first day sa school ng anak ko. Grade 1 palang mukhang pagod na sa buhay.”

4. The Vice president on the FIRST DAY

Hindi na ipinagpaliban ang pag uumpisa ng face-to-face class at bumisita ang ating Vice President | DepEd Secretary Sara Duterte sa Dinalupihan Elementary School noong Lunes nang magbukas muli eskwela.

5. Flag raising on the FIRST DAY

Makikita natin na di lamang tanawin ang maaliwalas kundi pati ang mukha ng bawat estudyante na nag aaral sa Mat-i National High School ng ganapin nila ang unang flag raising ceremony ngayong School Year 2022-2023.

6. The Police on the FIRST DAY

Trending ngayon ang mga pulis na nangumpiska ng mga facemask, alcohol at pagkain pinamimigay ng  Salinlahi Alliance for Children’s Concerns para sa mga nagbabalik-eskwela sa Pres. Corazon Aquino Elem. School, Quezon City.

7. Crowd on the FIRST DAY

Unang araw pa lang ng pasukan at tila punong puno na agad ang EM’s Signal Village Elementary School. Makikita sa larawan kung gaano kasiksikan ang mga estudyante na excited sa kanilang pagbabalik-aral.

8. Flood teaching on the FIRST DAY

Di naman natinag sa pagtuturo si Teacher Mylene Ambrocio kahit abot-tuhod na ang baha sa kanilang eskwelahan sa Macabebe, Pampanga.

9. Swim at FIRST DAY

Makikita sa larawang kuha sa video ni Liza Coniendo na halos maglangoy ang mga estudyante patungo sa kanilang eskwelahan ngayon unang araw ng pasukan. Ipinapakita na walang bagyo at baha ang makakapigil sa kanilang kagustuhang makapag-aral.

10. Broken on the FIRST DAY

Makikita sa mga larawang ibinahagi ng netizen ang mga sapatos na unang araw pa lamang ay sumuko na. Mayroon ding hindi pa nailalabas ng bahay ay naghiwalay na ang swelas ng sapatos.

Ano o sino man ang dahilan mo ngayon sa pagbalik eskwela, sa ating kababayan walang makakapigil na sakuna para maging masaya at magpatuloy sa pag aaral nila.

Ikaw ano ang ganap sayo ngayong pasukan?

Leave a reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *